Mas lumala pa umano ang sitwasyon ng red tide sa mga probinsya ng Capiz at Aklan.
Ito’y kahit inaasahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na ang paralytic shellfish poisoning o PSP ay kaunti lamang ngayong taglamig.
Sinasabing nagpositibo sa red tide toxins ang mga karagatang sakop ng Sapian at Ivisan sa Capiz at Batan sa Aklan.
Gayunman, lumalawak na umano ito at nakakaapekto na sa aquaculture area ng Roxas City, Pontevedra at Pres. Roxas sa Capiz at hanggang sa Balete at Washington sa lalawigan pa rin ng Aklan.
Dahil dito, ipinag-utos na ni BFAR Administrator Asis Perez ang pansamantalang pagbabawal sa pagkuha at pagkain ng mga shellfish na mula sa mga naturang karagatan.
By Jelbert Perdez