Pinag-iingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain ng shellfish at alamang mula sa may 21 lugar sa bansa.
Ayon sa BFAR, nagpositibo sa mataas na antas ng paralytic shellfish poison o red tide ang mga karagatang sakop ng mga naturang lugar.
Kabilang dito ang Bataan; Sorsogon Bay; Biliran Islands;Llanga Bay sa Surigao Del Sur; Balite Bay sa Davao Oriental; Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur, Tambobo Bay sa Siaton Negros Oriental; Milagros sa Masbate.
Daram Island, Zumarraga, Cambatutay, Irong-Irong, Maqueda at Villareal Bay sa Western Samar; Guiuan sa Eastern Samar; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol,; Honda at Puerto Princesa Bay sa Palawan.
Gayundin sa Cancabato Bay sa Tacloban City, Cariga Bay, Calubian at Bayan ng Leyte sa Leyte.
Sinabi ng BFAR, ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimangong na mahuhuli sa mga nabanggit na lugar basta’t sariwa at malilinis ng maigi ang mga ito.