Itinaas ng PAGASA ang red rainfall warning sa Davao Oriental at apat na lugar sa Mindanao dahil sa pag-ulang dulot ng Low Pressure Area (LPA) at shear line.
Ayon sa PAGASA, kabilang sa mga lugar na isinailalim sa red rainfall warning ay ang Monkayo, New Bataan, Maragusan at Compostela sa Davao de Oro, Surigao del Sur, Surigao del Norte at Dinagat Islands.
Orange rainfall warning naman ang itinaas sa nalalabing bahagi ng Davao del Oro, Agusan del Norte, Agusan del Sur, at nalalabing bahagi ng Surigao del Norte.
Habang yellow rainfall warning sa Davao del Norte, Davao City, Misamis Occidental, Misamis Oriental at Camiguin.
Ang red rainfall warning ay nangangahulugang malubhang pagbaha ang inaasahan sa mga lugar na madaling bahain at landslide sa mga bulubunduking lugar; maghanda dahil banta ng pagbaha at landslide sa Orange rainfall warning; at posible ang pagbaha at landslide sa mga lugar na nasa yellow rainfall warning.