Isinusulong ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na reenacted budget na ang gamitin ng gobyerno para ngayong taon 2019.
Kasunod ito ng pahayag ni Sotto na suko na siya sa pagpasa ng panukalang national budget.
Ayon kay Sotto, nakakapagod na ang walang tigil na alegasyon na mayroong mga naisingit na pork barrel funds sa panukalang budget.
Dahil dito, inihirit ni Sotto kay Senador Loren Legarda, chairperson ng Senate committee on finance na bawiin na ang Senate version ng 2019 General Appropriations Bill (GAB)na nakasalang sa bicameral conference commitee.
Umaasa si Sotto na mabubura na ang samu’t-saring mga alegasyon ng budget insertions kung ipagpapatuloy na lamang ang pag gamit ng 2018 national budget ngayong taon.