Gumagawa na ng mga hakbang ang gobyerno upang maiwasan ang posibleng muling pagragasa ng malawakang pagbaha sa Cagayan Valley.
Ang pahayag ay ginawa ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade matapos tamaan ng kalamidad ang lalawigan, kabilang ang Cagayan at Isabela, dulot ng Bagyong Ulysses na bumayo sa Luzon noong Miyerkules.
Paliwanag ni Tugade, sa kasalukuyan ay nagpapatuloy aniya ang dredging activities sa Cagayan River at reforestation efforts sa lugar upang maiwasan ang mas matinding kalamidad sa hinaharap.
Bilang suporta sa reforestation program, oobligahin ng DOTr ang mga public transport cooperatives at mga indibidwal sa lalawigan na magtanim ng puno bago gawaran ng lisensya at prangkisa na suportado naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).