Pumalo na sa isang milyon ang bilang ng refugees sa Ukraine mula nang lumusob ang Russia noong isang linggo.
Sinabi ni United Nations High Commissioner for Refugees Filippo Grandi na naging mabilis ang bilang ng mga indibidwal na lumikas mula sa nasabing bansa.
Sa projection ng ahensya, posibleng umakyat sa 4 milyon ang bilang ng mga refugee, ngunit posible pa itong madagdagan.
Nagpasalamat naman ang UN officials sa mga karatig-bansa ng Ukraine na nagbukas ng kanilang mga tahanan, gymnasiums at iba pang pasilidad para sa mga refugee.