Hihingi ng permiso ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Health (DOH) sa Kongreso para magamit sa mga nabakunahan ng Dengvaxia ang mahigit isang bilyong refund na nakuha ng DOH sa Sanofi Pasteur.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, magpepetisyon sila at ang DOH sa Kongreso para magamit na supplemental budget ang refund.
Idedetalye sa petisyon kung paano gagamitin ang mahigit sa isang bilyong pisong refund.
Mahigit sa 700 milyon ang ilalaan para sa medical assistance ng mga mahihirap na batang nabakunahan ng Dengvaxia at nagkasakit, mahigit 200 milyon para sa pagbili ng medical kits at mahigit 100 milyon para sa sahod ng mga health officers na ide-deploy sa mga lugar kung saan naroon ang mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.
Ang medical kits na nagkakahalaga ng P800 ay naglalaman ng thermometer, multi vitamins at mosquito repellents ay ipamamahagi sa mga mahihirap na nabakunahan ng Dengvaxia.
—-