Kinalampag naman ng mga militanteng grupo ang isang sangay ng Manila Electric Company (MERALCO) sa Quezon City.
Ito’y para igiit ang refund sa mga sobrang kuryenteng nasingil nito mula sa kanilang mga konsyumer.
Ngunit sagot naman ni Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng MERALCO, maaga pa para pag-usapan ang refund.
Ito’y dahil sa wala pang pasya ang Korte Suprema at Energy Regulatory Commission o ERC sa kung magkano ang tamang rate na siyang gagamitin sa pagkuwenta ng refund.
Katuwiran pa ni Zaldarriaga, bukod sa wala pang pasya ang mga kinauukulan, hindi rin nila alam kung saan nila kukunin ang kanilang ibabalik sa mga konsyumer.
By Jaymark Dagala