Kinumpirma ng ERC o Energy Regulatory Commission ang atas nito sa MERALCO o Manila Electric Company na ibalik sa mga konsyumer ang halos Pitong Bilyong Pisong sobrang nasingil nito.
Ayon kay ERC Spokesman Rexie Digal, tiyak na mararamdaman ng mga konsyumer ng MERALCO ang nasabing refund sa loob ng mula Hunyo hanggang Agosto, bukod pa sa nauna nang inanunsyo ng MERALCO na rollback sa kanilang singil ngayong buwan.
Dahil dito, makatatanggap ng refund ang mga MERALCO costumer ng 75 sentimos na refund sa kada kilowatt hour o 150 pesos para sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hours kada buwan.
Maliban sa meralco, sinabi ng ERC na pinoproseso na rin nila ang mga kahalintulad na petisyon sa may 36 na distribution utilities.
Kasunod nito, inihayag naman ni MERALCO Spokesman Joe Zaldarriaga na handa silang tumalima sa naging kautusan ng ERC alinsunod sa ginagawa nilang review tuwing tatlong taon sa over-recovery.
By: Jaymark Dagala