Sinimulan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang pagbibigay ng refund sa lahat ng mga motoristang naapektuhan ng aberya sa Southern Luzon Expressway, Star Tollway, NAIA Expressway at Skyway.
Ayon sa SMC Infra, saklaw ng refund ang mga motoristang dumaan sa mga nasabing expressway simula ala sais ng umaga hanggang alas dos ng hapon noong Huwebes, Nobyembre a – disi syete.
Nasirang fiber optic cables sa radio frequency identification o system ang dahilan ng aberya at mabigat na daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng SLEX, Skyway, NAIAX at Star Tollway.
Samantala, ang mga motorista namang nakapagbayad ng cash ay bibigyan ng one-time free pass, na maaaring gamitin sa mga naturang expressway.
Magtatapos naman ang pagbibigay ng refund sa mahigit walumpung libong apektadong motorista hanggang Disyembre a – bente dos.