Itinanghal na Entertainer of the Year sa 32nd Aliw Awards si ‘Asia’s Songbird’ Regine Velasquez.
Ang nasabing award ay ikatlong beses nang nakuha ni Regine.
Bukod sa naturang award, napasakamay din ng ‘Asia’s Songbird’ ang Best Collaboration in a Concert Award kasama si Megastar Sharon Cuneta para sa kanilang concert na iconic.
Nabigyan din ng parangal si Lea Salonga para sa People’s Choice Award; Gerald Santos para sa Best Major Concert (Male Category); at Julie Ann San Jose at Imelda Papin para sa Best Major Concert (Female Category).