Mahigpit ang payo ng Asia’s Song Bird Regine Velasquez sa kanyang step daughter na si Leila Alcasid ngayong pumasok na ito sa mundo ng showbiz.
Ito ay ang maging propesyunal sa lahat ng bagay lalo na sa oras ng pagdating sa kanyang appointment.
Sinabi ni Regine na maging ang asawang si Ogie ay mahigpit ang tagubiling ito sa kanyang anak kay Michelle Van Eimeren.
Kung mapapansin aniya, ang mga nagtatagal na artista ay ‘yung mga propesyunal.
Sinabi ni Regine na sakaling hindi maiwasan ang pagiging late sa appointment, pinayuhan niya si Leila na huwag mahihiyang ipagbigay-alam agad ito sa produksyon.
Si Leila Alcasid ay kasama ngayon sa 2018 Star Magic Circle.
—-