Isinailalim sa red alert ang Office of Civil Defense (OCD) sa Region 6 bilang paghahanda sa pinangangambahang paghagupit ng bagyong Auring.
Ayon sa OCD-Region 6, naghanda na ang kanilang tanggapan sa posibleng maging epekto ng bagyo.
Kabilang dito ang pre-disaster risk assessment kasama ang ilang kinauukulang ahensya ng pamahalaan.
Bukod pa rito, nakahanda na rin ang mga disaster relief goods para sa mga maaapektuhan ng bagyo gayundin ang quick response teams.
Kaugnay nito, nagpaalala naman ang OCD-CARAGA sa mga nasasakupan nito na huwag magpakampante sa bagyong Auring, sa halip ay maghanda sa pagdating nito.