Hinikayat ni Senate Committee on Electoral Reforms Chairman Koko Pimentel ang Commission on Elections (COMELEC) na balasahin ang regional at provincial officers nito.
Ayon kay Pimentel, kailangang siguraduhin ng kagawaran na mapapanatili ng Comelec ang pagiging neutral nito.
Hindi aniya dapat maging malapit ang mga kandidato, lalo na sa lokal na posisyon sa mga tao na mangangasiwa ng halalan.
Iginiit ng Senador na ang pag-aalis ng mga pagdududa sa gaganaping halalan ang dapat tinututukan ng COMELEC, at hindi ang mga panukala katulad ng pagsasagawa ng eleksyon sa mga mall at ang pagpapalawig ng campaign period.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)