Binalaan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde ang lahat ng mga regional directors at chief of police kaugnay ng umiiral na one strike policy sa kanilang hanay.
Ito ay sa gitna ng pangambang mamayagpag muli ang illegal numbers game tulad ng jueteng kasunod ng pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang gaming schemes sa ilalim ng PCSO kabilang ang STL, keno at peryahan ng bayan.
Ayon kay Albayalde, kanyang nang ipinag-utos ang mahigpit na pagbabantay ng pulisya kontra sa mga iligal na sugal sa buong bansa.
Tiniyak pa ni Albayade na sa kasalukuyan ay wala pa silang namomonitor hinggil sa muling pamamamayagpag ng jueteng.
Sinabi naman ni NCRPO Director Major General Guillermo Eleazar, mas magiging madali na para sa kanila na matukoy at maaresto ang mga gumagamit sa STL bilang front ng jueteng.
with report from Jaymark Dagala (Patrol 9)