Nakatakdang pulungin ng Department of Agriculture (DA) ang mga Regional Directors ng kagawaran sa Visayas gayundin sa Mindanao ngayong Linggo.
Ito’y kaugnay ng pagpasok sa bansa ng African Swine Flu (ASF) na lubos na nakapipinsala sektor ng pagbababoy sa Pilipinas.
Ayon kay Bureau of Animal Industry (BAI) Dir. Ronnie Domingo, ipatatawag ng DA ang naturang mga opisyal bilang bahagi ng kanilang malawakang pagtutok sa ASF.
Sa ngayon aniya ay kanilang minomonitor ang Rodriguez at Antipolo, Rizal gayundin ang Guiginot sa Bulacan na sinasabing unang naapektuhan ng ASF.
Sa oras umano na mapatunayan ang na ASF nga ang naging sanhi ng pagkamatay ng mga baboy sa maraming lugar sa luzon, sinabi ni Domingo na maituturing na aniya itong isang ‘outbreak’ na nangangailangan ng agarang aksyon.