Pinag aaralan ng Malakaniyang ang posibilidad na magtatag ng Regional Drug Rehabilitation Centers
Kasunod na rin ito sa lumalaking bilang ng mga sumusukong drug users at pushers
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella batid nila ang kakulangan ng rehabilitation centers sa National Capital Region dahil araw araw ay nadadagdagan ang mga sumusuko dahil sa takot na itumba sa police drug operations
Sinabi ni Abella na kapag naitatag ang regional rehab centers posibleng mabawasan ang problema sa paglalagyan sa mga drug users at pushers na nais magbagong buhay
By: Judith Larino