Mas dapat pagtuunan ng pansin sa laban ng Pilipinas sa West Philippine Sea ang regional fishing agreement.
Ito ang paniniwala ni political at military analyst Professor Clarita Carlos dahil hindi naman uubra ang bansa na makipagsabayan sa China sa aspetong militar.
Binigyang diin sa DWIZ ni Carlos na kailangang magkaroon ng sharing o hatiin sa pangingisda sa WPS.(carlos 2)
Talagang i-push natin ‘yung regional fishing agreement. total ang pinag-aawayan natin d’yan ay isda, so, pag may regional fishing agreement, kasama lahat ng mga bansa na, bukod doon sa anim na nakikipag-away d’yan, nagke-claim d’yan, sa area na ‘yan, na kasama na tayo, para malaman kung kailan mangingisda, kung kailan magfi-fish holiday. Kasi palagi nating nire-remind ‘yan sa China na ‘yung mga hinahango d’yan na mga isda ay pinanganak sa Palawan and yet wala naman tayong nakukuha,” ani Carlos.
Nilinaw pa ni Carlos na ang tagumpay ng Pilipinas sa arbitral ruling ay napatunayan lamang na mali ang iginigiit ng China ang nine-dash line principle nito.(carlos 3)
‘Yung arbitral ruling kasi, ang napanalunan mo lang ‘yon is to establish na walang basehan ‘yung kanyang nine-dash line atyaka dahil pwedeng i-ignore ng China ‘yon, inignore nya. Gano’n naman talaga ang international law, I decide kung anong kaya mong i-ignore, i-ignore mo. Kung di mo i-ignore e, di, titiklop ka,” ani Carlos. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas