Dismayado si United Nations (UN) Secretary General Ban Ki Moon sa pag-execute ng Saudi Arabia sa 46 na bilanggo kasama ang prominenteng Shi’ite Muslim cleric.
Nanawagan naman si Ban sa mahinahong reaksyon mula sa regional leaders para hindi na tumindi pa ang secretarian tensions matapos mapaslang si Nimr Al Nimr.
Ayon sa Saudi, ang pagpaslang kay Nimr Al Nimr kasama ang iba pang miyembro ng Al Qaeda ay patunay lamang nang mahigpit na pagtutol nila sa anumang terrorist attack maging ito man ay sanhi ng Sunni Jihadists o Minority Shi’ites.
By Judith Larino