Ipinag-utos na ni Environment Secretary Roy Cimatu ang paglikha ng mga Regional Task Force sa bansa na magpapadali sa mga programa ng gobyerno sa rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.
Ayon kay Cimatu, sa ilalim ng Regional Task Forces Build Back Batter (RTFBBB), ang bawat rehiyon sa labas ng Metro Manila ay magkakaroon ng kanya-kanyang Regional Director ng kagawaran.
Ang paglikha anya ng task force ay higit na magpapabilis ng paghahanda, pagpapatupad at pagsubaybay sa Post-Disaster Rehabilitation at recovery program sa mga lugar na tatamaan lalo na ng mga bagyo tulad ng super typhoon “Odette” na puminsala sa malaking bahagi ng visayas at ibang bahagi ng Luzon at Mindanao.
Ito’y bilang tugon sa intensyon ng E.O. 120 na inisyu ni Pangulong Duterte noong November 18, 2020 para sa mga government entity na magtrabaho nang may malinaw na unified command at sa isang sustained at solid form.
Samantala, ang National Task Force ay co-chaired ng kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kasama ang 26 na ahensya ng national government.