Nag-hugas kamay ang Malakanyang sa hirit ng mga manggagawa sa pribadong sektor na umento sa sahod.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, bahala na aniya ang wage board ng bawat rehiyon na umaksyon sa hiling na ito ng mga private employees na halos wala nang natitira sa natatanggap na kakarampot na sweldo dahil sa taas ng presyo ng halos lahat ng bilihin.
Bunsod nito, inihayag ni Roque, na kailangan umanong pag-aralan at balansehin ng regional wage board ang bagay na ito lalo ngayong malaking bilang ng mga kumpanya ang naapektuhan ng pandemya. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)