Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board na repasuhin ang sahod ng mga manggagawa.
Sa press briefing, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na nire-review na ang sahod sa 16 na rehiyon, habang may ilang rehiyon na rin ang nagtaas ng sweldo.
Binigyang diin naman ni Usec. Castro na sa usapin ng umento sa sahod, kailangang parehong pakinggan ang employers at mga empleyado para makapagbigay ng rasonableng sweldo.
Ginawa ng Palasyo ang pahayag sa harap ng panawagan ng Trade Union Congress of the Philippines na sertipikahang urgent ang panukalang P200 legislated wage hike.
Ayon kay USEC. Castro, sa ngayon ay wala pang tugon hinggil dito si Pangulong Marcos.