Tiniyak ng Regional Wage Board na kumikilos sila kaugnay sa hirit na umento sa minimum wage ng mga manggagawa sa bansa.
Ayon kay National Wages and Productivity Commission Executive Director Maria Criselda Sy , tinalakay nila sa ginawa nilang pagpupulong noong Hunyo 5 ang inihaing panukala ng Kamara na nagtatakdang gawing 750 pesos ang minimum wage ng mga empleyado sa Pilipinas.
Nabatid na bukod sa nasabing panukala ng mababang kapulungan ng Kongreso, mayroon pang apat na petisyon na inihain para sa minimum wage hike.
Gayunman , giit ni Sy, regular ang pag-re-review nila sa minimum wage ng mga manggagawa, alinsunod sa kanilang mandato na magtakda ng wastong suweldo sa mga nasa pribadong sektor.
—-