Suportado ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at spokesman Jonathan Malaya ang panukalang regionalization ng Bureau of Corrections (BuCor).
Gayunman, sinabi ni Malaya na kakain ng panahon ang posibleng regionalization ng BuCor dahil kailangang bumili ng lupa ng gobyerno para mapagtayuan ng pasilidad.
Ayon kay Malaya, kung mai-integrate ang provincial jails sa BJMP at kung mapapalitan ang batas, ilan sa mga bilanggo sa BuCor ay maaaring lipat sa provincial jails.
Magugunitang naghain si Senador Ronald Bato Dela Rosa ng panukalang naglilipat ng kontrol at pangangasiwa ng provincial at sub-provincial jails sa BJMP.
Nakasaad din sa nasabing panukala ni Dela Rosa ang pagpapalakas sa kasalukuyang penal system at matiyak ang sapat at makatuwirang proteksyon para sa mga bilanggo.