Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ng 8.7% sa 1.53M ang registered birth noong 2020 mula sa 1.67M noong 2019.
Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, ito’y sanhi ng pagbabago ng pag-uugali ng mga mag-asawang nagpasyang ipagpaliban ang pagbubuntis dahil sa pandemya.
Habang ang ilang mga magulang ay hindi agad na mairehistro ang kanilang bagong panganak na anak dahil sa mga health protocols kontra COVID-19.
Gayunpaman, ang paggamit ng mga mag-asawa ng modernong paraan ng family planning ay nabawasan din ang mga panganganak. —sa panulat ni Kim Gomez