Umabot na sa 15 milyong botante ang nakapagparehistro na para sa 2016 presidential elections.
Ipinabatid ito ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista na nagsabi ring inaasahan ang pagtaas pa ng mga magpaparehistrong botante habang pinag-aaralan ng registration board ang mga nakabinbing aplikasyon para sa voters registration at reactivation.
Ayon pa kay Bautista, maaaring umabot ng hanggang 56 million registered voters ang lalahok sa 2016 lalo na kapag nalinis ang listahan ng mga bagong botante.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)