Pumalo sa mahigit 50 milyong Pilipino ang mga rehistradong botante para sa 2016 elections ayon sa COMELEC.
Sinabi ni COMELEC Chairperson Andres Bautista na mas mataas ito ng 2 milyon kumpara sa nakaraang halalan.
Posible pa rin aniya itong tumaas kapag dumating na ang datos mula sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.
Hindi naman na tinukoy ni Bautista kung bakit naantala ang datos ng mga rehistradong botante mula sa ARMM.
Overseas absentee voters
Samantala, nasa 1.3 million na Pilipino ang rehistradong overseas absentee voters para sa 2016 elections ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez.
Umaasa din sila na papalo pa ito sa target nilang 1.5 million kapag nagreport na ang lahat ng Philippine diplomatic posts.
Ayon kay Jimenez, malaki ang naitulong ng social media sa paghikayat sa mga botante na magparehistro.
Bukod dito, Presidential elections kasi ang mangyayari sa susunod na taon kaya marami aniya ang interesado.
By Allan Francisco