Umakyat na sa 13,000 Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa Qatar, Saudi Arabia ang nagparehistro para sa 2016 elections.
Ayon kay Philippine Ambassador to Qatar Wilfredo Santos, 3,000 registrants nalang ang kulang upang maabot nila ang target na 16,000 voter registrants.
Kaugnay nito ay pinaalalahanan din ng embahada ang mga Pilipino, na maaari pang magparehistro ang mga ito hanggang sa katapusan ng buwan.
By Katrina Valle | Allan Francisco