Pinaigting na ng Philippine Embassy sa Libya ang registration at mapping ng mga Pilipino dahil sa kaguluhan sa ilang bahagi ng Libya.
Layunin nitong matunton ang mga Pinoy sa Libya sakaling maipit sa nagpapatuloy na kaguluhan.
Sa ilalim ng nasabing hakbang, magpaparehistro ang mga OFW para sa Global Positioning System ng kanilang cellphone.
Naglabas na rin ng abiso ang embahada kung saan pinag-iingat ang mga Pinoy sa Zawiya District at mga karatig na lugar dahil sa kaguluhan.
Samantala, pinaghahandaan na rin na ng Philippine Embassy ang pamamahagi ng Registration ID sa mga naunang nag-apply. —sa panulat ni Jenn Patrolla