Nagpatupad ng moratorium ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa registration ng mga bagong Online Lending Platforms (OLP) ng financing at lending companies, epektibo kahapon.
Nobyembre a-2 nang ilabas ng SEC ang Memorandum Circular 10, para sa mga bagong panuntunan na mangangasiwa sa licensing at registration ng mga OLP.
Ayon kay SEC Chairman Emilio Aquino, bumabalangkas na sila ng mga bagong guideline na magpapahintulot sa lending at financial companies na ayusin ang kanilang serbisyo at maiwasan ang harrasment sa mga borrower.
May mga natatanggap anya silang ulat hinggil sa panghaharass ng ilang lending company, partikular sa mga borrower na naapektuhan ng pandemya, kaya’t dapat na itong maresolba o matigil.
Inihayag din ng SEC na ang mga OLP, na nakapag-rehistro bago ilabas ang moratorium ay maaaring magpatuloy sa kanilang operasyon.
Tiniyak naman ni Aquino na mahigpit nilang babantayan ang mga OLP upang masigurong sumusunod ang mga ito sa lahat ng batas, panuntunan at regulasyon.