Kinansela ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang ‘certificate of registration’ ng remittance firm na Philrem Service Corp.
Sa isang kalatas, iginiit ng BSP na ito’y dahil nilabag ng Philrem ang ‘manual of regulations’ na sumasaklaw sa mga alituntuning may kinalaman sa anti-money laundering activities.
Batay sa naturang panuntunan, obligado ang mga remittance company tulad ng Philrem na magsumite ng report sa Anti-Money Laundering Council o AMLC hinggil sa mga kahina-hinalang transaksyon.
Matatandaang kabilang ang Philrem sa mga inimbestigahan ng senado hinggil sa 81 million dollars na nakulimbat ng mga hackers mula sa Bank of Bangladesh.
By Jelbert Perdez