Aarangkada na simula sa lunes, Oktubre 12 ang registration para sa national ID Salig sa umiiral na Philippine Identification System (PhilSys Law).
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Deputy National Statistician Asec. Rosalinda Bautista, mag-iikot ang kanilang mga tauhan sa 32 lalawigan na may pinakamababang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa panayam ng DWIZ kay bautista, sinabi nito na hahatiin sa dalawa ang proseso para sa pagpaparehistro ng mga mahihirap na pamilyang Pilipino para sa national ID.
Isasabay na rin aniya sa registration ng national I.D. Ang pamamahagi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P)’s sa mga mahihirap na pamilya.
Majority of them are low income household heads, galing sa listahanan-3 ng DSWD so bakit kailangan namin sila puntahan kasi pagpunta namin sa kanila. Under the step 1 kukunin na namin ‘yung kanilang demographic characteristics actually tatanungin namin sila kung mayroon silang bank account. Kasi kung wala silang bank account, sasabihan namin ng step 2 pumunta sila sa registration center ay pwede silang mag-open ng bank account with the Landbank even only wala pa ang kanilang card pero mayroon na sila na tinatawag na transaction slip. ani Bautista
Binigyang linaw pa ni Bautsita na libre ang registration para sa national id at mayruon itong pakikipag-ugnayan sa mga barangay na kanilang pupuntahan.
Dagdag pa ni Bautista, target ng psa na mairehistro ang nasa 90% ng mga Pilipino sa national ID bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.
‘Yung standard po ng PSA kapag nagkokoleta ng data tulad ng census may courtesy call po ‘yan sa ating barangay captain. So ini-inform po ‘yung ating barangay captain or other barangay officials na ito ‘yung taong mag-iikot. Kaya po kapag maroon ibang umiikot nasusumbog po ito ganun rin po sa amin national ID may courtesy call po ito sa ating barangay captain. ani Bautista — panayam sa Balitang 882