Inatasan ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang lahat ng kanilang regional directors na inspeksyunin ang mga public utility vehicles sa mga checkpoints bilang bahagi ng pag-monitor sa mga galaw ng mga terorista sa Mindanao.
Ayon kay LTFRB Spokesperson Atty. Aileen Lizada, alinsunod sa inilabas na memorandum ng ahensya, dapat tanungin ang mga driver kung saan sila papunta at kung saan sila nanggaling.
Sa ngayon, ayon kay Lizada ay naka-lockdown na ang buong Lanao del Sur at limitado ang biyahe ng lahat ng mga sasakyan base na rin sa utos ng security forces sa Mindanao.
Ipinaalala rin ng opisyal sa kanilang mga regional directors na ang isantabi muna ang lahat ng public announcements ukol sa inter-regional routes na hindi ipinalabas ng central office ng LTFRB.
By Meann Tanbio