Tiniyak ng Quezon City Task Force Disiplina ang pagsuyod sa mga malalaking resto bars sa lungsod.
Ayon kay Rannie Ludovica, pinuno ng task force regular ang ginagawa nilang inspeksyon sa mga nasaging resto bars sa Quezon City kaya’y nababalaan nila ang mga ito kaugnay sa pagsunod sa health and safety protocols.
Ito lamang isang bar aniya na nag-viral matapos lumabag sa health protocols ang hindi nila kaagad na respondehan dahil may tinakbo silang riot sa bahagi ng Timog Avenue.
Sinabi pa sa DWIZ ni Ludovica na malinaw ang mga guidelines na ipinatutupad nila kaugnay sa health protocols bagama’t nagkakaruon sila ng problema kung weekends dahil dinadagsa ng customers ang mga resto bars sa Quezon City.