Pinababawi ng Office of the Solicitor General (OSG) sa korte suprema ang naunang pasya nito na pahintulutang makakuha ng ‘regular license’ ang mga foreign construction firms para makakuha ng pribado o pampublikong kontrata ng kahit anong proyekto sa bansa.
Sa inihaing ‘motion for reconsideration’ ni SolGen Jose Calida, iginiit nito na nararapat lamang na panatilihin ang limitasyon ng mga dahuyan pagdating sa industriya ng kontruksiyon sa bansa.
Pagdidiin ni Calida, ito’y para maprotektahan ang interes ng mga Pilipinong contractors at mga manggagawa nito.
Magugunitang nitong Marso, pinawalang-bisa ng ‘foreign equity limitations’ na nagbibigay-daan para direktang makakuha ng kontrata ang mga construction companies sa bansa na pag-mamay-ari ng mga dayuhan.
Iginiit pa ni SolGen Calida, oras na mabigyan ang mga foreign contractors ng ‘regular license’, ay paniguradong matatamaan ang mga lokal na kontratista mula sa Micro Small and Medium Enterprises (MSMES).