Halos maparalisa ang maraming negosyo sa Occidental Mindoro dahil sa regular na pagkawala ng kuryente sa isla.
Ayon kay Diana Tayag, convenor ng Grupong 100% brownout free, halos naging normal na ang 6 hanggang 12 oras na brownout sa Occidental Mindoro sa nagdaang 17 taon.
Gayunman, nitong March 21 naganap ang pinakamatinding brownout nang umabot sa 16 na oras ang brownout sa bayan ng Sablayan at mga karatig na lugar na sentro ng rice, corn at fishery production ng lalawigan.
Hinikayat ni Tayag ang mga aktibo sa social media na pumirma sa kanilang online petition para mapansin ng buong mundo ang kanilang problema.
Ayon kay Tayag, ang problema nila sa kawalan ng kuryente ay pinalala ng matagal nang kaso sa pagitan ng Occidental Mindoro Electric Cooperative Inc. o OMECO at Island Power Corporation, isang independent power producer na nakakuha ng eksklusibong power contract sa OMECO.
“We are respectfully na humihingi ng tulong kay Secretary Petilla, in behalf po ng 450,000 people na nasa Occidental Mindoro na naghihirap ngayon dahil sa brownout, humihingi po kami ng fomal all out investigation in our power crisis kagaya ng ginagawa nila sa Visayas at Mindanao, hinihiling po namin na magkaroon na ng immediate resolution ang kaso ng OMECO.” Pahayag ni Tayag.
By Len Aguirre | Ratsada Balita