Walang dapat na ikabahala sa namataang presensya ng mga Chinese warship sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal na nasa 124 nautical miles lamang ang layo sa Masinloc, Zambales.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang reasksyon sa naging ulat ng Philippine Coastguard na may umaaligid na mga barko ng China sa teritoryo ng bansa sa Scarborough Shoal.
Ayon kay Lorenzana, bahagi ang naturang karagatan ng international waters at malaya ang ano mang bansa kahit pa ang China o Amerika na maglayag sa naturang lugar.