Iminungkahi ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pagkakaroon ng regular na psychiatric test sa lahat ng mga pulis.
Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Rogelio Casurao, hindi lamang dapat isinasagawa ang psychiatric test sa recruitment period dahil karaniwang may mga behavioral patterns na umuusbong habang nasa serbisyo na ang mga pulis.
Iginiit ni Casurao na makabubuti ang regular psychiatric test para masundan at masuri ang mga posibleng pagbabago sa ugali ng mga pulis.
Batay sa tala ng Eastern Police District, nangungunang dahila ng behavioral problem ng mga pulis ay dulot ng stress sa trabaho lalu na kung may kinakaharap na kaso.