Tiniyak ng pamunuan ng SM sa kanilang mga empleyado ang pagbibigay ng regular na sahod at tulong pinansyal para sa kanilang mga gwardiya at janitors na pawang naapektuhan ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Sa pahayag na kanilang inilabas, sinabi nito na bukod sa sahod na matatanggap ng mga empleyado nito ay tatanggap din sila ng financial assistance, habang may dagdag na premium pay sa kanilang mga front liners na bumuo sa skeletal workforce nito, at P5,000 naman para sa kanilang mga gwardiya.
Samantala, siniguro din ng pamunuan ng SM na ginagawa nito ang lahat para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga frontline workers kung kaya’t sila ay magbibigay ng protective gears, pagkain at masasakyan para maghatid-sundo sa mga empleyado nito.