Walang mababago sa regular schedule ng LRT-2 ngayong araw na ito, pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno.
Ayon ito sa pamunuan ng LRTA kung saan ang unang tren sa Recto at Antipolo stations ay umalis ng alas-5 ng madaling araw habang ang huling tren sa Antipolo station ay aalis ng alas-9 ng gabi at alas-9:30 ng gabi sa Recto station.
Ipinaalala ng LRTA ang lahat ng pasahero na sumunod sa health, safety at security protocols para makaiwas sa COVID 19 at sakuna.