Iminungkahi ni Senator Joel Villanueva na magkaroon ng regular at random na COVID-19 test sa mga opisina dahil sa pagkakaroon ng mataas na kaso ng virus sa hanay ng mga manggagawa.
Ayon kay Villanueva, Senate Committee on Labor and Employment, mismong ang Department of Health (DOH) na ang naghayag na mayorya sa mga COVID-19 cases ngayon ay mula sa working age groups.
Giit ni Villanueva, dapat na isama sa pagpapahintulot ng pagbubukas ng negosyo ang pagsasagawa ng regular at random testing sa mga opisina at lugar-paggawa.
Mahalaga aniya ito upang agad na matukoy ang mga may sakit at agad silang ma-isolate upang hindi na makahawa pa.
Batay sa datos ng DOH, as of August 15, 20 hanggang 29 years old ang edad na may pinaka maraming kaso ng COVID-19.