Itinutulak ni Sen. Robinhood “Robin” Padilla na mabigyan ng regular status ang mga casual o contractual employees ng gobyerno kahit walang civil service eligibility.
Sa Senate Bill 234 ni Padilla, maaaring ma-regular ang isang kawani basta’t nakalimang taon na ito sa serbisyo sa gobyerno.
Maaalalang naghain din ng kaparehong Bill si Sen. Jinggoy Estrada kung saan tatlong taon naman ang hinihingi nito bago maging organic o regular ang isang empleyado.
Batay sa datos mula sa Civil Service Commission o CSC, sa kasalukuyan ay 157,000 ang non-career o non-CSC eligible employees sa gobyerno habang 450,000 ang job order at tinatayang 132,000 ang nasa contract service.