Aprubado na ng kamara ang regulasyon ng operasyon ng motorcycles for hire.
Sa botong 189 at walang tumutol, lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng mababang kapulungan ng kongreso ang House Bill 10571 o Proposed Motorcycles For Hire Act.
Nakasaad sa naturang panukala na maaaring gawing ‘for-hire’ basis ang mga motorsiklong rehistrado.
Inatasan naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa tulong ng local government units na mag-isyu ng prangkisa bago sumalang sa kalsada at magsakay ng mga pasahero.
Ang LTFRB din ang itinalaga upang magtakda ng pamasahe, surcharges at iba pang transportation fees na kailangan.