Magpapatupad na ang pamahalaan ng panuntunan at standards sa produksyon ng lambanog sa bansa.
Ito ay matapos ang naitalang pagkamatay ng 17 katao matapos uminom ng naturang alak.
Ayon kay Food and Drug Aministration (FDA) officer-in-charge (OIC) at Health Undersecretary Eric Domingo, makikipagtulungan sila sa mga local na pamalahaan para masigurong mayroon nang regulasyon sa paggawa nito.
Aniya, sa ngayon ay gumagawa na sila ng mga panuntunan na dapat sundin ng mga lambanog makers.
Magugunitang nagpositibo sa methanol ang mga lambanog samples na nakuha Laguna at Quezon Province.