Target ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board na mabuo ang regulasyon para sa TNVS o Transport Network Vehicles Service o mga application based na sasakyan tulad ng Uber at Grab bago mag-Setyembre.
Ayon kay Atty. Aileen lizada, Board Member at Spokesperson ng LTFRB, binigyan na nila ang mga TNVS ng hanggang Biyernes, Hulyo 28 para magsumite ng master list ng kanilang drivers, full time man o part time.
Makakatulong anya ang master list para malaman kung kailangang maglagay ang LTFRB ng limitasyon sa kung ilang oras lamang dapat nag o operate ang TNVS.
Pinuna ng LTFRB na tig-mahigit 20,000 ang sasakyang tumatakbo sa Uber at Grab gayung batay sa pag-aaral nasa labing dalawa hanggang labing limang libo lamang ang demand para sa TNVS.
“Whether part time ka o full time ka, ang tingin ng gobyerno dito is that you’re rendering public service, nagbibigay kayo ng serbisyo publiko sa mga mananakay, ang mga prangkisa ng mga taxi at bus, they are on the regular franchise, but this one hindi sila 24/7 on the road, so kailangan pag-aralan kung kailangan lagyan ng certain hours ang TNVS to be on the road, ang franchise is privilege na bigay ng gobyerno at hindi naman siguro tama na kung kailan lang gustong mag-online tsaka bibiyahe, marami namang nangangailangan ng sakay.” Pahayag ni Lizada
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)
Regulasyon sa Uber-Grab target mabuo bago mag-Setyembre was last modified: July 27th, 2017 by DWIZ 882