Pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng pagsama ng rehabilitation and livelihood programs sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.
Kaugnay nito, pinuri ni PNP Chief Police Lieutenant General Rodolfo Azurin Jr. ang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibigay ng kamalayan sa resulta ng iligal na droga sa bansa.
Pero, binigyang-diin din ni Azurin na kailangang suriin at i-recalibrate ang pagpapatupad nito sa ilalim ng bagong administrasyon.
Nabatid na umabot sa mahigit 6,200 ang mga nasawing suspek sa war on drugs ng Duterte administration mula Hulyo a-primero noong 2016 hanggang Mayo a-31 ng taong kasalukuyan.