Sinimulan na ng Pilipinas ang “long-delayed” repairs ng airstrip sa Pag-asa Island sa gitna ng lumalawak na presensya ng Chinese military presence sa pinag-aagawang Spratly Islands.
Ayon sa isang research institute na Asia Maritime Transparency Initiative, batay sa mga satellite image ay mayroong indikasyon na nagsasagawa ng repair sa naturang military facility sa Pag-asa.
Sa larawang kuha noong Mayo 17, dalawang barge ang dumaong sa kanlurang bahagi ng runway ng isla.
Bukod sa airstrip, pitong bagong gusali rin ang namataang itinatayo matapos ang anunsyo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana noong isang taon na plano ng gobyerno na i-develop ang Pag-asa Island.
—-