Hindi pabor ang Diocese of Balanga sa rehabilitasyon ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).
Ito’y sa kabila ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa executive order 164 noong Pebrero a-20 na nagpapahintulot sa paggamit at pag-aaral ng nuclear energy bilang alternatibong mapagkukunan ng enerhiya.
Ayon kay diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos, magdudulot lang ng panganib ang BNPP sa mga mamamayan ng Bataan lalo’t nakatayo ito sa ibabaw ng Mount Mariveles, na isang dormant volcano.
Hindi naman anya ito magpo-produce ng karagdagang supply ng kuryente at maaaring maging mitsa ng korapsyon ang halaga ng rehabilitasyon ng planta, lalo’t balot ng katiwalian ang pagkakatayo rito.