Tinapos na ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) Sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources ang rehabilitasyon at pamamahala sa isla ng Boracay, sa Malay, Aklan.
Ito’y makaraan ang apat na taong malawakang rehabilitasyon sa pinaka-sikat na tourist destination sa bansa.
Itinurn-over na rin ni DENR Acting Secretary at BIATF Chairman Jim Sampulna ang pamamahala ng isla sa Malay Municipal at Aklan government.
Aminado si Sampulna na malaking hamon para sa nasabing lgu ang pagpapanatili ng kalinisan sa isla, kabilang ang pagdi-disiplina sa mga residente nito at turista.
Una nang binuo ang BIATF, kung saan vice-chair ang Department of Tourism at Interior and Local Government, ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng executive order 53 noong May 8, 2018.
Magtatapos sana ang termino ng task force noong 2020, pero pinalawig ito ni Pangulong Duterte hanggang May 8, 2021 sa paglabas ng EO 115 noong May 11, 2020 at muling pinalawig hanggang June 30, 2022 sa bisa ng EO 148.