Sisimulan na ang rehabilitasyon ng Manila Bay sa linggo, Enero 27.
Mahigit limang libong tao ang inaasahang makikiisa sa iba’t ibang aktibidad ang gagawin sa pangunguna ng DENR o Department of Environment and Natural Resources.
Kabilang dito ang mangrove planting sa Navotas City at clean–up drive sa Bacoor, Cavite, Obando, Bulacan at Gua- Gua Pampanga.
Bukod sa DENR, inaasahang dadalo din sa mga aktibidad ang mga opisyal ng Department of Tourism, Department of Interior and Local Government at iba pang ahensya ng gobyerno.
It’s all systems go as we launch the intensified rehabilitation of Manila Bay on Sunday, January 27.#BattleForManilaBay#ManilaBAYanihanpic.twitter.com/tjdGOLMWa6
— DENR (@DENROfficial) January 24, 2019
Business establishment na walang sewarage treatment plant, papangalanan
Nakatakdang ilabas ng Department of Environment and Natural Resources ang listahan ng mga establisyementong nagpapadumi sa Manila Bay.
Ayon sa ahensya, kanilang papangalanan ang mga business establishment na walang sewerage treatment plant at direktang nagtatapon ng dumi sa dagat.
Una nang tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang malalaking hotel sa paligid ng Manila Bay na siyang mga pangunahing pollutants.
Habang pansamantala na ring ipinasara ang Manila Zoo para isailalim sa rehabilitasyon matapos na mapag-alaman na direktang itinapon ang mga maruming tubig sa estero na dumadaloy naman sa Manila Bay.